LTFRB, target ibalik ang libreng sakay sa Abril

By Chona Yu March 23, 2022 - 03:53 PM

Target ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibalik ang libreng sakay sa pamamagitan ng Service Contracting Program sa buwan ng Abril.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni LTFRB Regional Director Zona Russet Tamayo na naghihintay na lamang ang kanilang tanggapan na maibigay ang pondo para muling maibalik ang libreng sakay.

Una rito, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na nailabas na nila ang P7 bilyong pondo para sa SCP.

Ang SCP ay inisyatibo ng Department of Transportation (DOTr) na nag-aalok ng Libreng sakay.

Umaasa si Tamayo na mas marami pang drayber at operator ang lalahok sa SCP.

TAGS: DBM, DOTrPH, InquirerNews, LibrengSakay, ltfrb, RadyoInquirerNews, Service Contracting Program, Zona Russet Tamayo, DBM, DOTrPH, InquirerNews, LibrengSakay, ltfrb, RadyoInquirerNews, Service Contracting Program, Zona Russet Tamayo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.