Walk-in para sa mga aplikante ng Apostille services ng DFA-ASEANA, suspendido muna
Pansamantalang sinuspinde ang walk-in para sa mga aplikante ng Apostille Services sa Department of Foreign Affairs – ASEANA sa araw ng Miyerkules, March 23, 2022.
Paliwanag ng kagawaran, naabot na ang bilang ng kayang maserbisyuhan dulot ng biglang pagdagsa ng mga aplikante, Martes ng gabi.
“Inaalam po namin ngayon ang puno’t dulo ng pangyayaring ito,” ayon sa DFA.
Sinabi ng kagawaran na magsisimula muli ang walk-in service para sa mga aplikante sa Apostille sa Huwebes, March 24.
300 katao kada araw ang quota ng aplikante para sa walk-in ng Apostille services sa DFA-ASEANA.
“Nagpapapasok kami ng mga aplikante at nagbibigay ng numero simula 7 AM. Hindi po kailangang pumila sa DFA-ASEANA ng dis-oras ng gabi,” saad ng DFA.
Maliban sa DFA-ASEANA, maari ring mag-walk-in ang mga aplikante sa mga sumusunod na DFA offices:
– NCR West (150 aplikante)
– NCR East (100 aplikante)
– Pampanga (80 aplikante)
– NCR South (150 aplikante)
– CO Iloilo (60 aplikante)
– NCR Northeast (80 aplikante)
– La Union (50 aplikante)
– Davao (90 aplikante)
– Cebu (100 aplikante)
– Cagayan de Oro (37 aplikante)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.