National Press Club nagpasaklolo sa SC na pigilan ang kasunduan ng Comelec, Rappler

Nagpasaklolo na ang National Press Club sa Supreme Court na pigilan ang kasunduan ng Commission on Elections (Comelec) at ng media entity na Rappler na maging fact checker sa nalalapit na election.

Ayon kay NPC president Paul Gutierrez, naghain ang kanilang hanay ng mandamus petition, kasama ang Guardians Brotherhood and Automated Election System para hikayatin ang Comelec na maging transparent.

“As citizens whose future and those of their loved ones are also at stake in the coming elections, member of the press, thru NPC, have to add their voice in making sure that the Comelec, this time around perform their constitutional and legal mandates strictly and in favor of transparency at all times,” pahayag ni Gutierrez.

Ikinabahala rin ng NPC ang hindi pag-imbita ng Comelec sa media sa pag-imprenta ng mga balota.

“We continue to call on all Filipinos and other media groups to lend their voice in asking the Comelec not to merely suspend, but more importantly to scrap the memorandum of agreement altogether,” pahayag ni Gutierrez.

Wala pa namang tugon ang Comelec sa inihaing mandamus ng NPC.

Read more...