QC, ginawaran ng pagkilala ng DILG

By Chona Yu March 23, 2022 - 02:17 PM

Quezon City government photo

Ginawaran ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng pagkilala ang Quezon City bilang lungsod na may pinakamaraming establisyimentong binigyan ng Safety Seal Certification.

Mismong si Mayor Joy Belmonte ang tumanggap ng parangal mula kay DILG Secretary Eduardo Año sa ginanap na awarding ceremony sa SM Mall of Asia.

Aabot sa 5,800 na establisyemento sa lungsod ang nagawaran ng safety seal.

Ayon kay Belmonte, patunay ito na sa mahigpit nilang ipinapatupad ang minimum health protocols, at gumagamit ng contact tracing app ng QC, ang KyusiPass.

Sa tulong din ng Safety Seal, mas tumaas ang kumpyansa ng mga kostumer na ang pupuntahan nila ay mahigpit na nagpapatupad ng health protocols kaya safe silang bumisita o kumain doon.

TAGS: DILG, eduardo año, InquirerNews, JoyBelmonte, RadyoInquirerNews, safety seal certification, DILG, eduardo año, InquirerNews, JoyBelmonte, RadyoInquirerNews, safety seal certification

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.