Dahil sa patuloy nang paglobo ng suporta sa tambalang Leni Robredo – Kiko Pangilinan, sinabi ni reelectionist Senator Leila de Lima na ang nanyayaring ‘Kakampink’ campaign rallies ay katulad ng nangyari noong 1986 EDSA People Power Revolution.
Tiwala si de Lima na hindi na mapipigilan ang pagdami ng mga nais na si Robredo ang susunod na pangulo ng bansa.
“The record rallies of the Leni-Kiko campaign are certainly a new phenomenon in our politics. Almost 140k in Ortigas is unprecedented. This is People Power. And just like in 1986, it is unstoppable,” sabi pa ng senadora.
Idinagdag pa nito na ang nangyayari ay katulad ng tinatawag na ‘Spirit of EDSA,’ kung saan ay naririnig ang boses ng mamamayan at ang kanilang pagkontra sa mga trapos at political dynasties.
Ang halos 140,000 katao na dumalo sa ikinasang PasigLaban ay ang itinuturing na pinakamalaking campaign rally ng Robredo – Pangilinan tandem.