IT-BPM firms sa ecozones, puwedeng work from home pero may kapalit

By Jan Escosio March 23, 2022 - 10:20 AM

Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na maari namang magpatupad ng work from home arrangements ang mga kompaniya ng Information Technology – Business Process Management na nasa ecozones at ang nakarehistro na investment promotion agencies (IPAs).

Ayon kay Dominguez, wala namang pumipigil o nakikialam sa diskarte ng mga kompaniya, kabilang na ang pagpapatuloy ng work from home set-up.

Ngunit paalala lang ng kalihim, mawawala naman ang tax incentives ng mga kompaniya, gaya ng income tax holiday o 5 porsyento special corporate income tax alinsunod sa nakasaad sa Section 309 ng Tax Code.

Sabi pa ni Dominguez hindi magiging makatuwiran sa mga negosyo sa labas ng ecozones na nagbabayad ng lahat ng nakatakdang buwis.

“Other companies such as micro, small and medium enterprises pay regular corporate income tax rate of 20 percent, while big corporations pay 25 percent,” aniya.

Dagdag pa nito, sa pagbabalik ng mga trabaho sa ecozones, sisigla din ang iba pang negosyo gaya ng mga tindahan, food at transport services.

TAGS: CarlosDominguezIII, InquirerNews, RadyoInquirerNews, workfromhome, CarlosDominguezIII, InquirerNews, RadyoInquirerNews, workfromhome

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.