Sinabi ni senatorial aspirant Greco Belgica na napakahalaga sa isang lider ang katapatan.
Ito aniya ang ipinagbilin sa kanya ni Pangulong Duterte nang minsan na magkaroon siya ng pagkakataon na makapag-usap silang dalawa lamang.
“Sabi sa akin ni PRRD, ‘kapag mag-senador ka, dapat may CHARACTER…CHARACTER. Yung TIGAS… like the strength to say NO and just do what is right,” kuwento ni Belgica.
Ipinaliwanag pa aniya ng Punong Ehekutibo ang kahalagahan ng katapatan at ito aniya ang dahilan kayat ang mga tao na kasama niya simula 2016 ay kasama pa rin niya hanggang ngayon.
Pagdidiin pa ni Belgica na napakahalaga para sa kanya ang katapatan.
“Faithfullness requires you to be brave and the strength to stay on course and do what is right,” sabi pa niya.
Ito aniya ang karakter na kailangan ngayon ng mga namumuno, bukod pa sa lakas ng loob na ipaglaban ang totoo at kahit mahirap gawin ay gawin pa rin ng tama.
“Mga leaders na magpapatuloy ng laban na sinimulan ni Pangulong Duterte kahit mag-isa,” dagdag pa nito.
Paliwanag niya ang mga durugista, korap, kriminal at terorista ay wala nang katatakutan kapag bumaba na sa puwesto si Pangulong Duterte kayat aniya dapat ay magtuloy ng mga laban na nasimulan.
“Balikan lahat yan, kawawa ang bayan. Kailangan may magpapatuloy ng laban na ginawa niya at gagawin ko yun sa Senado. Gagawa ako ng mga batas na nakalinya sa mga programa at polisiya ni PRRD,” ang may paninindigang sinabi pa ni Belgica.
Pinamunuan ni Belgica ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ng ilang taon sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon bago ito isinama sa senatorial ticket ng PDP-Laban.
“Para sa akin, di bale nang mahirapan, ‘wag lang maging taksil. Mas mahalaga ang matibay kaysa marami. Mas mahalaga ang tunay, kaysa maingay,” diin pa nito.