Bumaba na ang axis ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Dahil dito, sinabi ni PAGASA Weather Specialist Ana Clauren na wala nang direktang epekto ang nasabing weather system sa anumang bahagi ng bansa.
Sa ngayon, patuloy ang pag-iral ng Easterlies o hanging nagmumula sa Karagatang Pasipiko sa malaking bahagi ng bansa.
Magdadala pa rin aniya ito ng mainit at maalinsangang panahon na may kasamang pulo-ulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog, lalo na sa Silangang bahagi ng ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Maari ring makaranas ng thunderstorms ang Zambaonga at ilang bahagi ng Northern Mindanao hanggang gabi.
Samantala, mababa naman ang tsansa na makaranas ng pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.
Ani Clauren, walang inaasahang sama ng panahon na makakaapekto sa bansa sa susunod na tatlo hanggang limang araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.