Mga pasahero ng MRT-3, may libreng sakay mula March 28 hanggang April 30

Screengrab from LTFRB’s FB livestream

May libreng sakay ang mga pasahero ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) simula sa Marso 28 hanggang Abril 30.

Ito ang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng MRT-3 rehabilitation project sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Ayon sa Pangulo, nagkasundo sila ni Transportation Secretary Arthur Tugade na magbigay ng libreng sakay.

Ayon sa Pangulo, patunay ang rehabilitasyon sa MRTna pursigido ang gobyerno na pagandahin ang national road system na una na niyang ipinako sa taong bayan.

Mula sa dating 25 kilometers per hour na biyahe, tumatakbo na ang MRT sa bilis na 60 kilometers per hour at may time interval ng pagdating ng mga tren ng walo hanggang 10 minuto.

Sinabi pa ng Pangulo na mula sa 12 hanggang 15 na operating units ng mga tren, ngayon ay nasa 18 hanggang 22 tren na ang bumibiyahe.

“Finally, I want to take this opportunity to promote the rehabilitated MRT in the commuting public and assure our kababayans that service disruptions are a thing in the past,” pahayag ng Pangulo.

Read more...