PNoy hindi magpapasarap sa mga natitirang oras bilang Pangulo

By Alvin Barcelona May 18, 2016 - 08:30 PM

Benigno-Aquino
Inquirer file photo

Tiniyak ni Pangulong Noynoy Aquino na hindi niya sasayangin ang natitira niyang panahon sa Malacañang.

Sinabi ito ng Pangulo sa isang seremonya kanina sa Palasyo kasama ang mga lider ng Senado at Kamara de Representantes.

Ayon kay Aquino, bagama’t mayroon na lamang siyang 43 araw bago bumaba sa puwesto, itutuloy niya ang kanyang pagta-trabaho tulad ng ginawa niyang paglagda kanina sa Children’s Emergency Relief and Protection Act o Republic Act 10821.

Sinabi rin ng Pangulo na makakatiyak ang sambayanang pilipino na sinasagad niya ang bawat pagkakataong makapaglingkod sa kanyang mga Boss.

Una rito, sinabi ng Chief Executive na taas noo siyang bababa sa puwesto at masasabi na tinupad niya ang mandato na ipinagkaloob sa kanya ng kanyang mga Boss.

TAGS: Aquino, Malakanyang, President, Aquino, Malakanyang, President

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.