Inendorso ng PDP-Laban ang kandidatura ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Base sa statement ng PDP-Laban, unanimous ang kanilang boto para kay Belmonte.
“We have unanimously agreed to endorse and support the bid of Mayor Joy Belmonte,” pahayag ng PDP-Laban.
Nabatid na sina Abbin Dalhani, president; Jojo Abad, vice president; Nestor Revilla, secretary general; Gilbert PE Aguirre, treasurer; Brian Lu, chairman ng political affairs committee; Marc Anthony Maclang, chairman Ong membership committee ang lumagda sa statement.
Ayon sa PDP-Laban, ang maayos na pagmamahala ng Belmonte sa pagtugon sa pandemya sa COCID-19 ang isang basehan para suportahan ang kanyang kandidatura.
“The gains and progress championed by her leadership, is at the risk of total regress, unless it is ascertained that she is re-elected and her leadership qualities and traits will continually push the development of Quezon City,” pahayag ng PDP-Laban.
Nagpapasalamat naman si Belmonte sa pagsuporta ng PDP-Laban.
“Lubos tayong nagpapasalamat sa PDP-Laban Quezon City Council at sa National Alliance of Broadcast Unions (NABU) sa kanilang napakahalagang endorsement. These endorsements show that our good governance efforts did not go unnoticed. At the same time, the vote of confidence definitely serves as a big boost for my bid to win a fresh three-year term. Kapag tayo’y nabigyan ng panibagong mandato, maipagpapatuloy natin ang mga nasimulan nating programa at mga proyekto sa ating unang termino bilang mayor,” pahayag ni Belmonte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.