Mababawing alahas sa ill-gotten wealth ng pamilya Marcos, ibebenta ni Moreno

By Chona Yu March 22, 2022 - 04:17 PM

Photo credit: Mayor Isko Moreno Domagoso/Facebook

Ibebenta ni Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno ang mga alahas na mababawi ng pamahalaan sa ill-gotten wealth ng pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Moreno, kung papalaring manalong pangulo ng bansa, pagsusumikapan din ng pamahalaan na pagbayarin ang pamilya Marcos ng P203 bilyong estate tax liabilities.

“Maaari siyang ipatupad, and we guarantee you, maipapatupad yon dahil yun po ay batas. What matters most ay makokolekta yon, dahil marami pa naman silang pag-aari na maaari naman nating makuhanan at mapunan yung para sa estado,” pahayag ni Moreno.

“Kung maaalala niyo, may mga diyamante, mga assets na nakuha sa kanila. Natutulog po sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Picasso USD 200 million sa mundo yan, mahal na mahal yung mg paintings, Monet, na nakolekta na ng gobyerno. Ito tangan-tangan natin, pwede naman nating isalba o ibenta na. kasi there is no use of that na sa buhay ng tao kung nandi-dyan lang yan sa vault ng ating gobyerno,” dagdag ni Moreno.

Base sa ulat ng Christie’s and Sotheby’s noong Nobyembre 2015, nagkakahalaga ng P1 bilyon ang mga alahas ng pamilya Marcos na nabawi ng pamahalaan at nakalagak lamang sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) may tatlong dekada na.

Kabilang sa mga koleksyon ng Marcos ang diamonds studded tiaras, necklaces, brooches, earrings, belts, at iba pang mamahalanng gamit gaya ng mga relo na Patek Philippe, Rolex, at Cartier.

Nakuha rin ng gobyerno ang paintings na “Madonna and Child” ni Michelangelo; “Femme Au Chapeau,” “Paysage,” “Jeune Femme En Rouge,” “Coupe De Fleurs,” limang “Vase De Fleurs,” “Panier De Fleurs” at “Jeune Femme Shabilant” ni Paule Gobillard; at Picasso replica brass strokes.

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, ill gotten wealth, InquirerNews, IskoMoreno, Marcos, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022, #VotePH, 2022elections, 2022polls, ill gotten wealth, InquirerNews, IskoMoreno, Marcos, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.