Comelec, bubuo ng task force para aksyunan ang mga ulat ng vote buying
Bubuo ng task force ang Commission on Elections (Comelec) na mag-iimbestiga sa mga ulat ng vote buying.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, ito ay para mabilis na maaksyunan ang mga reklamo ng vote buying.
Bubuoin aniya ang task force ng Comelec, Philippine National Police (PNP) at Department of Justice (DOJ).
Matatandaang nag-viral sa social media ang umano’y bigayan ng sobre na may lamang pera sa mga dumadalo sa mga political rally ng ilang kandidato sa pagka-pangulo.
Ayon kay Garcia, tutukan ng task force ang lahat ng reklamo sa vote buying.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.