Palasyo, nilinaw na wala pang iniendorsong kandidato sa pagka-pangulo si Pangulong Duterte
Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na wala pang iniendorsong kandidatong pagka-pangulo ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte para sa eleksyon sa Mayo 9.
Ito ay kahit na inendorso na ng PDP-Laban na partido ni Pangulong Duterte si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, desisyon ng partido ang pag-endorso kay Marcos.
Hindi aniya malinaw kung si Marcos din ang gustong iendorso ni Pangulong Duterte.
Mas makabubuti aniya kung hihintayin na lamang ang pahayag ni Pangulong Duterte.
Binigyang diin ni Andanar na tagapagsalita siya ni Pangulong Duterte at hindi ng partidong PDP-Laban.
Tumatakbong pangulo ng bansa si Marcos at ka-tandem ang anak ni Pangulong Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.