Bahagyang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa Pilipinas, ayon sa OCTA Research.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nasa 2.5 porsyento ang positivity rate sa bansa hanggang March 20.
Mas mataas kumpara sa 2.4 porsyentong positivity rate noong nakaraang linggo.
Mula sa 0.23 noong March 11, tumaas din sa 0.29 ang reproduction number hanggang March 18.
“However, the figure on new cases shows a flat, slightly downward trend but not an increasing one,” ani David.
Nananatili pa rin ang Pilipinas sa ‘very low risk’ classification sa nakahahawang sakit, at ipagpapatuloy pa rin aniya ang pagtutok sa posibleng pagbabago sa trends.
Payo ni David, ituloy pa rin ang pagtalima sa minimum health protocols.
MOST READ
LATEST STORIES