COVID-19 related deaths sa mundo, umabot na sa 6.10 milyon
Lagpas 6.10 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 6,105,629 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 998,840.
Sumunod na rito ang Brazil na may 657,363 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 516,574 naman ang death toll sa India habang 364,901 ang napaulat na nasawi sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 322,107
– Peru – 211,924
– United Kingdom – 163,679
– Italy – 157,904
– Indonesia – 153,892
– France – 141,085
– Iran – 139,662
– Colombia – 139,471
– Argentina – 127,599
– Germany – 127,541
– Poland – 114,221
– Ukraine – 107,597
– Spain – 101,703
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 472,655,009 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 472,655,009 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.