Pera sa buhay na katuwiran sa online sabong pinuna ni Sen. Leila de Lima

By Jan Escosio March 22, 2022 - 09:05 AM

Binatikos ni reelectionist Senator Leila de Lima ang pangangatuwiran ng Malakanyang sa hindi pagsuspindi sa operasyon ng online sabong.

Ayon kay de Lima mas pinanghinayangan ng administrasyong-Duterte ang kita sa online sabong kaysa sa buhay ng mga tao, gayundin ang masasamang epekto nito.

“There is no reason to allow e-sabong to continue to operate if it brings more harm than good. Hindi dapat ibinibida ng gobyerno yung malaking kita sa sugal. Sa halip ang dapat ipinapaliwanag sa mga tao  ay ang mga hindi magandang epekto ng sugal lalo na sa mga kabataan,” sabi pa ni de Lima.

Dagdag pa ng senadora, ang anuman nawawalang kita ay maari naman bawiin sa ibang paraan.

Kung mas matimbang ang masasamang epekto ng e-sabong, ayon pa sa senadora, kaysa sa sinasabing kabutihan na naidudulot nito, dapat lang aniya na itigil na ito.

TAGS: leila de lima, news, online sabong, Radyo Inquirer, leila de lima, news, online sabong, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.