Mahihirap na pamilyang Filipino bumaba sa 10.7 milyon

Nabawasan ang bilang ng mga Filipino na ikinukiunsidera ang kanilang  pamilya na mahirap noong nakaraang Disyembre.

Sa Social Weather Station (SWS) survey na isinagawa noong Disyembre 12 hanggangf 16 at may 1,440 respondents, 43 porsiyento ang nagsabi na sila ay mahirap.

May 39 porsiyento naman ang nagsabi na sila ay nasa pagitan ng mahirap at hindi, samantalang may 19 porsiyento ang sumagot na hindi sila mahirap.

Bago ang survey, 45 porsiyento pa ang itinuring na mahirap ang kanilang pamilya, 34 porsiyento ang ‘borderline poor at 21 porsiyento naman ang nagsabing hindi sila mahirap.

Ayon sa SWS, sa kanilang pagtatantiya base sa dalawang surveys, 10.7 milyong pamilyang Filipino ang nagsabi noong Disyembre na sila ay mahirap mula sa 11.4 milyon noong nakaraang Disyembre.

Bumaba ang bilang sa Mindanao at Metro Manila, samantalang tumaas sa Visayas at Luzon.

Read more...