3,572 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas sa nakalipas na linggo – DOH

Nakapagtala ng 3,572 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang March 21, 2022, base ito sa naitalang datos simula March 14 hanggang 20.

Mas mababa ito ng 13 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong March 7 hanggang 13.

Bumaba rin sa 510 ang daily average cases.

Samantala, isa ang bagong severe and critical cases habang 655 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 16.6 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 4,532 sa 27,376 non-ICU beds ang gamit.

17.8 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 619 sa 3,473 ICU beds ang gamit.

Nasa 805 naman ang severe and critical admissions, o 12.3 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.

Read more...