Panukalang batas sa pagpapatayo ng pagamutan sa Southern Luzon, pirma na lang ni Pangulong Duterte ang hinihintay
Kumpiyansa si House Committee on Health at Quezon 4th District Representative Dr. Helen Tan na malalagdaan ni Pangulo Rodrigo Duterte ang panukalang batas para sa pagtatayo ng pagamutan sa Southern Luzon para sa mga pasyenteng mayroong maseselan na karamdaman.
Sa ngayon, hinihintay na lamang aniya ang pirma ng pangulo sa panukalang pagtatayo ng Southern Luzon Multi-Specialty Medical Center (SLMSMC).
Kayang manggamot ng SLMSMC ng mga pasyenteng may sakit sa puso, baga, bato at cancer.
Sakaling mapatayo, ito ang magiging kauna-unahang pagamutan sa labas ng Metro Manila at sa Southern Luzon na kayang manggamot ng mga nabanggit na uri ng sakit.
Planong itayo ang SLMSMC sa Barangay Foton sa Tayabas City.
Inaasahang magiging kapaki-pakinabang ang naturang pagamutan hindi lamang sa mga residente ng Quezon, kundi maging sa ng mga pasyente sa mga karatig-lalawigan at rehiyon.
Nakapaglaan na rin ng inisyal na pondo sa pagtatayo nito na aabot sa P100 milyon.
Nagpasalamat naman ang kongresista kina Rep. Mark Enverga, Senator Christopher “Bong” Go at Senate President Vicente “Tito” Sotto III na sumuporta para maipasa sa dalawang kapulungan ang panukalang batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.