Robredo pabor sa hirit ni Marcos na system audit sa vote counting

By Den Macaranas May 18, 2016 - 05:13 PM

robredo-marcos-0511
Inquirer file photo

Payag si Camarines Sur Congresswoman Leni Robredo sa hirit ng kampo ni Sen. Bongbong Marcos na magsagawa ng system audit kaugnay sa ginagawang pagbibilang ng mga boto sa vice-presidential race.

Sa panayam sa Naga City, sinabi ni Robero na kung ito ang makakapag-alis sa duda ng ilang grupo kaugnay sa nagaganap na bilangan ng mga boto ay pabor siya na gawin ito sa lalong madaling panahon.

“Wala naman akong pagkontra sa system audit. Sang-ayon ako na may system audit para maalis ang lahat ng duda tungkol sa integridad ng proseso ng eleksyon,” ayon kay Robredo.

Aminado rin ang mambabatas na masama ang kanyang loob sa ilang mga nag-aakusa na may naganap na dayaan sa bilang ng boto sa pagitan nila ni Marcos.

“Iyong hindi okay sa akin iyong nagpaparatang na nandaya na wala namang basehan. Palagay ko hindi lang siya ang mag-bebenefit pati din ako. Kaya sa akin welcome na welcome iyon,” dagdag pa ni Robrero.

Sa pinakahuling bilang ng mga boto mula sa unofficial at partial tally sa quick count operation center ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ay patuloy pa rin na lumalamang si Robredo kumpara sa kanyang pinaka-malapit na kalaban na si Marcos.

TAGS: duterte, Marcos, Robredo, vice president, duterte, Marcos, Robredo, vice president

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.