Legarda, nagpasalamat sa suporta sa kaniyang plataporma mga programa para sa pagbangon sa pandemya
Nagpasalamat si House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda sa tiwala at suporta ng mga Filipino sa kaniyang adbokasiya, plataporma at mga programa upang makabangon mula sa matinding epekto ng pandemya.
Kasunod ito ng patuloy na pag-arangkada ng mambabatas sa Senatorial Preferences ng mga botante para sa nalalapit na May 9 elections.
Base sa Pulse Asia survey na isinagawa noong February 18 hanggang 23, 2022, nasa top 2 rank ang three-term senator matapos lumabas na 58.9 porsyento ng mga respondent ang boboto sa kanya sa halalan.
Nakuha rin ni Legarda ang 99 porsyentong awareness ng mga botante.
Samantala, inendorso ang mambabatas ng administration party na PDP-Laban bilang kandidato sa pagka-senador.
Isinapormal ang endorsement sa pinagtibay na Resolution No. n25 ng National Executive Committee noong February 26.
Ayon kay PDP Laban Secretary General Melvin Matibag, si Legarda ang napili nilang suportahang kandidato dahil sa pangako nitong pagpapatuloy ng mga magagandang programang nasimulan ng Duterte administration.
Pinuri rin nito ang malaking ambag ni Legarda bilang three-term senator dahil sa dami ng mga ginaang batas, kabilang ang Clean Air Act, Solid Waste Management Act, Climate Change Act at Phil. Disaster Risk Reduction and Management Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.