K-12 Program, hinog na para pag-aralan – Sen. Gatchalian

By Jan Escosio March 21, 2022 - 10:40 AM

Nangako si Senator Sherwin Gatchalian na kapag pinalad siya na muling mahalal bilang senador sa eleksyon sa Mayo, isusulong niya ang pagsusuri ng Enhanced Basic Education Act of 2013 o ang K to 12 Law.

Katuwiran ni Gatchalian, napakaraming hamon ang kinahaharap ng programa, kabilang na ang ‘congested curriculum’ at ang kakulangan ng mga guro sa pagsasanay.

Binanggit nito na base sa 2018 Programme for International Student Assessment (PISA), sa 79 bansa, ang Pilipinas ang nakakuha ng pinakamababang rating sa Reading.

Samantala, pangalawa naman sa pinakamababa ang Pilipinas sa Science at Mathematics.

Dagdag pa ng senador, kailangan ding rebyuhin ang kahandaan ng senior high school graduates ng magtrabaho.

“Patuloy nating susuriin ang mga naging kakulangan sa K to 12 program upang matiyak na naaabot natin ang mga layunin nitong makapaghatid ng dekalidad na edukasyon. Maliban sa pagsusuri sa K to 12 program, patuloy nating isusulong ang mga reporma upang matiyak na hindi napag-iiwanan ang ating mga mag-aaral pagdating sa dekalidad na edukasyon tungo sa mas maayos na trabaho,” sabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Basic Education.

TAGS: InquirerNews, Kto12Law, Kto12program, RadyoInquirerNews, SherwinGatchalian, InquirerNews, Kto12Law, Kto12program, RadyoInquirerNews, SherwinGatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.