Aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, nanatili sa 24

Nanatili sa 24 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Linggo (March 20), walang pulis na bagong tinamaan ng nakahahawang sakit.

Dahil dito, nasa 48,856 pa rin ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Wala ring pulis na gumaling sa nakakahawang sakit, kung kayat nasa 48,704 pa rin ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala ring bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 128 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...