Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 470.04 milyon
Pumalo na sa 470.04 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 470,047,191 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 81,404,135 cases.
Sumunod na rito ang India na may 43,007,564 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 29,617,266 naman ang kaso sa Brazil habang 24,055,877 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 20,093,762
– Germany – 18,592,762
– Russia – 17,551,657
– Turkey – 14,680,836
– Italy – 13,800,179
– Spain – 11,324,637
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,098,030 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 400,428,845 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.