Panayam kay BBM, ipalalabas isang oras bago ang Comelec debate
Ipalalabas ang eksklusibong panayam kay Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. isang oras bago ang pagsisimula ng unang round ng presidential debates ng Commission on Elections (Comelec).
Sa Facebook, ibinahagi ng broadcaster na si Erwin Tulfo na nakapanayam niya, kasama si PCOO Secretary at acting Presidential spokesperson Martin Andanar, ang dating senador.
Matutunghayan aniya sa interview kung ano ang mga plano ni Marcos para sa bansa.
“Pakinggan din ang kanyang sagot sa mga akusasyon sa kanya at sa pamilya Marcos ng mga kalaban,” saad pa ni Tulfo.
Ipalalabas ang interview sa Facebook page ni Tulfo bandang 6:00, Sabado ng gabi (March 19).
Nakatakda naman ang unang Presidential debate, bahagi ng serye ng Comelec na “PiliPinas Debates: The Turning Point” bandang 7:00 ng gabi.
Nauna nang sinabi ng kampo ni Marcos na hindi dadalo ang presidential aspirant sa naturang debate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.