Napiling PNP Chief ni Duterte may babala sa mga drug lords

By Ruel Perez May 18, 2016 - 04:53 PM

Ronald dela rosa
FB photo

Walang nakikitang problema si incoming Chief PNP, C/Supt. Ronald Dela Rosa kahit “junior” siya at nalagpasan nya ang kaniyang mga senior officers o upper class.

Ito’y kasunod ng pagtatalaga sa kaniya ni incoming President Rodrigo Duterte bilang susunod na hepe ng Pambansang Pulisya.

Sa panayam kay Dela Rosa sinabi nito na magtutulungan sila ng kanyang mga upper classmen para masugpo ang kriminalidad sa bansa lalo na ang pamamayagpag ng ilegal na droga.

Paliwanag ni Dela Rosa, alam naman ng kaniyang mga seniors ang sitwasyon sa pagtatalaga ng pinuno ng  PNP na prerogative ng pangulo ng bansa.

Sinabi rin ng opisyal na sasagasaan nila ni Duterte ang sindikato ng droga sa bansa sa mga unang araw pa lamang ng susunod na administrasyon.

Si Dela Rosa ay kabilang sa Philippine Military Class (PMA) Class of 1986 at nalagpasan nito ang kaniyang mga seniors na miyembro ng PMA Class 1983, 1984 at 1985.

Bukod kay Dela Rosa, nakasama rin sa shortlist ni Duterte ang iba pang opisyal ng PNP na sina C/Supt. Ramon Apolinario at C/Supt. Rene Aspera pawang mga naging hepe rin ng Davao City Police Office.

TAGS: Crame, dela rosa, duterte, PNP chief, Crame, dela rosa, duterte, PNP chief

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.