Umiiral pa rin sa malaking bahagi ng bansa ang Easterlies o hanging nagmumula sa Karagatang Pasipiko.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Obet Badrina, partikular na apektado nito ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Bunsod nito, makararanas pa rin ng mainit na panahon ngunit may tsansa pa rin ng isolated rainshowers o thunderstorms.
Wala aniyang inaasahang mabubuo o papasok na low pressure area (LPA) sa loob at labas ng bansa sa mga susunod na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.