Nadiskubre ng Bureau of Customs – Port of Clark, kasama ang CAIDTF, ESS, CIIS, XIP at PDEA, ang 1,000 gramo ng shabu sa loob ng 31 piraso ng Dinosaur Toys.
Nagmula ang P6.9 milyong kargamento sa sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Nang isailalim sa 100 porsyentong physical examination, tumambad ang mga laruan na may lamang ilegal na droga.
Lumabas din sa chemical laboratory analysis ng PDEA na positibo sa Methamphetamine Hydrochloride ang kargamento.
Inilabas naman ni District Collector Alexandra Lumontad ang Warrant of Seizure and Detention laban sa shipment dahil sa paglabag sa Sections 118 (g), 119 (d), at 1113 par. f, i & l ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), na may kinalaman sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Noong March 16, nagsagawa ang BOC at PDEA ng controlled delivery operation sa address ng consignee sa Caloocan City.
Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng claimant.