DepEd, bumuo ng Private Education Office para mabigyang suporta ang mga pribadong institusyon sa basic education

By Angellic Jordan March 18, 2022 - 03:52 PM

Photo credit: DepEd/Facebook

Bumuo ang Department of Education (DepEd) ng Private Education Office (PEO) sa DepEd Central Office upang magbigay ng suporta sa mga institusyon sa pribadong edukasyon.

“With the establishment of the PEO, DepEd can now fully exercise its supervisory and regulatory functions and continue to implement programs of assistance to schools, learners, teachers, and other personnel in private education,” pahayag ni Education Secretary Leonor Briones.

Sa pamamagitan ng DepEd Order No. 9, series of 2022, binuo ang PEO upang mamuno sa lahat ng bagay patungkol sa pribadong edukasyon na nakalagak sa Central Office, at matulungan ang kalihim na masigurong maaabot ang mandato ng kagawaran sa pribadong edukasyon

Ani Briones, “Aside from supervision and regulation of private schools, the Department also provides support to private education through technical and financial assistance.”

Inaasahang pangungunahan ng PEO ang whole-of-agency approach para sa institusyonalisasyon ng public-private complementarity sa lahat ng lebel ng pamamahala sa pamamagitan ng angkop na mga interbensiyon kasama, ngunit hindi limitado, sa pagbuo ng mga estratehikong direksyon at balangkas sa complementary roles ng publiko at pribadong mga institusyon sa basic education.

Umaasa rin ang opisina na kumilos o kung kinakailangan ay magbigay ng mga rekomendasyon sa kalihim sa lahat ng bagay kaugnay sa pribadong edukasyon na nakararating sa DepEd Central Office at i-monitor ang resolusyon nito.

“The PEO will collaborate with other offices to gather feedback on the implementation of this DepEd Order from concerned internal and external partners to assess its contribution to organizational effectiveness in the fulfillment of our mandate relative to private education matters,” saad pa nito.

TAGS: deped, InquirerNews, LeonorBriones, PrivateEducationOffice, RadyoInquirerNews, deped, InquirerNews, LeonorBriones, PrivateEducationOffice, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.