Bahagyang tumaas ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (March 18), 17 pulis ang bagong tinamaan ng nakahahawang sakit.
Dahil dito, umakyat sa 20 ang COVID-19 active cases habang 48,853 na ang confirmed COVID-19 cases sa PNP.
Dalawang pulis naman ang bagong gumaling sa COVID-19, kung kaya’t 48,705 na ang total recoveries.
Samantala, wala muling bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito, 128 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.