Kaso ng COVID-19 sa mundo, higit 466.53 milyon na
Mahigit 560,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 466,535,026 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Pinakamarami pa ring naitalang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos na may 81,350,883 cases.
Sumunod ang India na may 43,004,005 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 29,527,640 naman ang kaso sa Brazil habang 23,860,194 ang napaulat na kaso sa France
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 20,001,627
– Germany – 18,140,525
– Russia – 17,484,257
– Turkey – 14,644,382
– Italy – 13,645,834
– Spain – 11,260,040
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,088,152 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 398,154,316 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.