5.3-M pasahero, nakinabang sa libreng sakay ng QC LGU
Aabot sa 5.3 milyong pasahero ang nakinabang sa libreng sakay na alok ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nagsimula ang libreng sakay noong Disyembre 7, 2020.
May ruta aniya ang libreng sakay sa Quezon City Hall hanggang Cubao; Route 2: Quezon City Hall hanggang LITEX; Route 3: Welcome Rotonda hanggang Aurora Blvd./Katipunan; Route 4: Quezon City Hall hanggang Gen. Luis; Route 5: Quezon City Hall hanggangg Mindanao Avenue via Visayas Ave.; Route 6: Quezon City Hall hanggang Gilmore; Route 7: Quezon City Hall hanggang Ortigas Avenue Extension; at Route 8: Quezon City Hall hanggang Muñoz.
Ayon kay Belmonte, nagsisimula ang libreng sakay ng 6:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi.
“This program was launched to address the need for a reliable, efficient and safe means of transportation during the pandemic especially during the times when public transportation is unavailable or limited. The program enables our QCitizens to save a lot on transportation expenses,” pahayag ni Belmonte.
Hinihikayat ni Belmonte mga pasahero na tangkilikin ang libreng sakay lalo’t tumataas ang presyo ng produktong petrolyo.
“Sobrang mahal na ng gasolina at kasunod na rin niyan ang pagmahal ng mga bilihin. Kailangan nating magtipid kaya malaking bagay na yung malilibre mo sa pamasahe, maipambili mo na ng bigas,” pahayag ni Belmonte.
Una nang nilagdaan ni Belmonte at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LFTBR) ang isang Memorandum of Agreement (MOA) para magbigay ng libreng sakay.
“Umaasa tayo na makatutulong ang programang ito upang maibsan ang kakulangan sa pampublikong transportasyon at upang mas mabilis at ligtas na makarating ang mga commuter sa kanilang pupuntahan. Iwas-hawa na, may free wifi pa. Kaya naman mula nang ilunsad natin ang Q City bus, marami talagang sumasakay at nakita nila mismo na malaking tulong ito sa kanilang pagpasok sa trabaho o kahit sa personal man na lakad,” pahayag ni Belmonte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.