Rep. Mark Villar maaring makulong kapag hindi muna nanungkulan bago maupong DPWH secretary

By Erwin Aguilon May 18, 2016 - 12:36 PM

mark VillarMagkakaroon ng panangutan sa batas si Las Piñas Representative elect Mark Villar kapag kaagad nitong tinanggap ang posisyon bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa election lawyer na si Atty. Romy Macalintal, lalabag sa itinatadhana ng Revised Penal Code si Villar kapag hindi muna siya nanumpa at nanungkulan bilang kinatawan ng Las Piñas.

Sinabi ni Macalintal na sa ilalim ng Section 234 ng Revised Penal Code, nakasaad na maaring mabilanggo ng isang buwan hanggang anim na buwan ang isang halal na opisyal kapag tumanggi itong manumpa at manungkulan.

“The penalty of arresto mayor or a fine not exceeding 1,000 pesos, or both, shall be imposed upon any person who, having been elected by popular election to a public office, shall refuse without legal motive to be sworn in or to discharge the duties of said office,” ani Macalintal.

Bukod dito, mayroon din aniyang moral issue na sangkot dahil si Villar ay inihalal ng mga taga Las Piñas at noong siya ay nangampanya hindi naman niya sinabi na magpapa-appoint siya sa pamahalaan.

Ngayon aniyang magpapa-appoint si Villar ay para nitong tinalikuran, binalewala at iniiwan ang mga taga Las Piñas na walang kinatawan.

TAGS: Mark Villar, Mark Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.