Kinuwestiyon ni reelectionist Senator Leila de Lima ang impluwensiya ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Aimee Torrefranca – Neri.
Sinabi ni de Lima nakakapagtaka na sa kabila ng mga alegasyon ng pangongotong, itinalaga pa rin ito sa naturang posisyon.
Aniya hindi maiiwasan na pag-isipan na may malakas na kapit si Neri na sumusuporta sa kanya.
“Didn’t the DOJ thru NBI investigate at all the serious allegations against DOJ Asec. and now Comelec Comm. Aimee Torrefranca- Neri? Or was such investigation or any news coverage on this ‘killed’ on orders from higher-ups? Ganun siya kalakas?” ang pagtatanong ng senadora.
Una nang nanawagan si Senate Minority Leader Frank Drilon para sa pagbibitiw ni Neri sa puwesto para mawala ang mga pagdududa dahil sa alegasyon ng pangongotong.
Sinabi na rin ni Drilon na mahihirapan si Neri na makalusot sa Commission on Appointments.