Apat na ‘persons of interest’ natukoy sa Quezon mayor ambush case
May nakila ng apat na persons of interes ang special investigation task group (SITG) sa pag-iimbestiga sa tangkang pagpatay kay Infanta, Mayor Filipina Grace America noong nakaraang buwan.
Sinabi ni PNP Chief Dionardo Carlos may mga nakolekta silang mahahalagang ebidensiya kabilang ang CCTV footages kung saan makikita ang mga hinihinalang salarin.
Ibinahagi din ni Carlos na nakapagsagawa na ng cross-matching examinations ang Regional Forensic Unit 4A (Calabarzon) sa mga narekober na ebidensiya.
“We are still in the process of determining how much of politics can really be involved in this slay try. Our coordination with the Commission on Elections regarding this incident is constant so as to identify the climate of violence that may persist in the area,” aniya.
Maigting ang pagtutol ni America sa quarrying operations.
Magugunita na kadadalo lamang nito ng Banal na Misa at nasa loob ng kanyang sasakyan nang pagbabarilin noong Pebrero 27.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.