Marangal na trabaho, susi sa maunlad at mapayapang Mindanao – Kiko Pangilinan

By Jan Escosio March 18, 2022 - 08:24 AM

Sinabi ni vice presidential aspirant Francis ‘Kiko’ Pangilinan na mareresolba ang mga isyu ng kahirapan at kaguluhan sa Mindanao kung may mga sapat lamang na trabaho na may maayos na kita.

“Dito sa Mindanao, ‘yung mga areas na mayroong successful agri interventions, walang bakbakan. Walang giyera. Kasi mga kamag-anak nung mga rebelde ‘yung mga nagpapatakbo nitong mga farms dito,” sabi ni Pangilinan nang magtungo siya sa Basilan kamakailan.

Aniya ang tunay na susi sa pagkakaroon ng ganap na kapayapaan ay kaunlaran.

“Ang pinakasolusyon sa peace and order ay talagang development sa lugar kaya dapat talagang buo ang suporta ng administrasyon para sa BARMM,” sabi pa nito patungkol sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Dagdag pa niya: “Tiyakin na ‘yung mga pangako at commitment natin sa peace negotiations at sa batas mismo ay buo ang suporta. Funding, releases, dapat talagang suportahan itong BARMM if the success of BARMM is the key to peace and stability in Mindanao.”

TAGS: kiko pangilinan, news, Radyo Inquirer, kiko pangilinan, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.