Mataas na survey rating hamon sa Senior Citizen Partylist

By Jan Escosio March 18, 2022 - 08:21 AM

Pumuwesto sa Top 3 ang Senior Citizen Partylist sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Ayon kay Rep. Rodolfo ‘Ompong’ Ordanes malaking hamon ito sa kanila upang magkatotoo ang high rating sa eleksyon sa Mayo 9.

Sinabi pa nito na nakapuwesto sila ng mataas kahit wala silang celebrity endorsers o advertisements sa telebisyon.

Ngayon pa lang ay pinasalamatan na niya ang mga pumili sa kanila sa survey bagamat pagtitiyak ni Ordanes na hindi pa sila magpapakumpiyansa dahil marami pa ang posibleng mangyari hanggang sa araw ng botohan.

Bukod kay Ordanes, nominees din ng partylist sina Boyet Agatep, ng Cagayan; Dennis Escobar, ng Laguna; Linda Bañega, ng Metro Manila; Nonita Red ng Albay at Rod Cinco, ng Leyte.

Pagtitiyak pa ng namumuno sa House Committee on Senior Citizens’ Affairs na ang grupo nila ang tunay na nagsusulong ng kapakanan at pangangailangan ng mga nakakatanda, gayundin ang kanilang proteksyon sa kanilang mga karapatan, bukod pa sa interes ng mga retirees at pensioners.

TAGS: news, Radyo Inquirer, Rep. Rodolfo ‘Ompong’ Ordanes, Senior partylist, news, Radyo Inquirer, Rep. Rodolfo ‘Ompong’ Ordanes, Senior partylist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.