Easterlies, magdadala pa rin ng mainit na panahon sa bansa

DOST PAGASA satellite image

Patuloy ang pag-iral ng Easterlies o hanging nagmumula sa Karatagang Pasipiko sa buong bansa.

Ani PAGASA Weather Specialist Grace Castañeda, mararanasan pa rin ang mainit at maalinsangang panahon bunsod nito.

Gayunman, may posibilidad aniyang magkaroon ng pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat o pagkulog, lalo na sa bahagi ng SOCCSKSARGEN, at Zamboanga Peninsula.

Nagpaalala ang weather bureau sa mga residente sa nasabing lugar na mag-ingat at maging alerto sa maaring maranasang severe thunderstorm.

Samantala, walang inaasahan ang PAGASA na mabubuong low pressure area (LPA) o bagyo sa teritoryo ng bansa sa mga susunod na araw.

Read more...