Ombudsman, sinimulan na ang fact-finding probe sa umano’y anomalya sa TUPAD program ng DOLE
Nagsasagawa na ng motu proprio fact-finding investigation ang Office of the Ombudsman kaugnay sa umano’y anomalya na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, partikular na binubusisi ng kanilang hanay ang implementasyon ng emergency employment program sa Quezon City; kasama na ang pamamahagi ng sweldo na mayroong illegal deductions na umano’y napunta sa Congressional staff members o barangay officials, pangongolekta ng umano’y “processing fees” sa mula sa sweldo ng aid recipients; pananamantala ng ilang government officials sa TUPAD program; at pagsuspinde sa TUPAD program sa distrito ng Palawan.
Ang TUPAD program ay community-based package assistance ng DOLE na nagbibigay ng emergency employment sa mga nawalan ng trabaho, unemployed at seasonal workers.
Nasa 10 hanggang 30 araw ang TUPAD program depende sa klase ng trabaho.
“As an independent constitutional body, the Ombudsman continues to conduct in-depth investigations on alleged anomalies especially those committed in these trying times of the pandemic,” pahayag ni Martires.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.