Bilang na Filipinong napauwi mula sa Ukraine, umakyat na sa 370

DFA photo

Sinalubong ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagdating ng 19 pang seafarers ng Chariana L na nagmula sa Ukraine.

Sa gitna ito ng ikinakasang repatriation effort ng pamahalaan sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Kasunod nito, umakyat na sa 329 ang kabuuang bilang ng repatriated Filipinos sa Ukraine, habang nasa 41 naman ang nailikas na Filipino.

Sinabi ng kagawaran na umabot na sa 370 Filipinos ang naasistihan, sa tulong ng Philippine Embassies sa Warsaw at Budapest, Honorary Consulate General sa Kyiv, at Honorary Consulate sa Chisinau, Moldova.

Read more...