Maynilad, magkakaroon ng water service interruptions sa Metro Manila

Magpapatupad ang Maynilad ng water service interruptions sa ilang bahagi ng Metro Manila, kabilang ang Quezon City, Maynila, Pasay, Valenzuela, Parañaque, Makati, Malabon, at Caloocan.

Paliwanag ng water concessionaire, mabilis ang pagkaubos ng tubig sa kanilang reservoir dulot ng mataas na demand sa panahon ng tag-init, lalo na tuwing umaga.

Sinabi nito na makatutulong ang nasabing off-peak interruptions upang makapag-refill ng mga reservoir tuwing gabi.

Iiral ang water service interruptions simula sa araw ng Huwebes, Marso 17, hanggang Abril 1, 2022.

Sinabi ng Maynilad na patuloy ang pagtutok sa drawdown ng tubig sa kanilang mga reservoir.

Nagsasagawa rin ang water concessionaire ng ilang supply augmentation measures para madagdagan ang supply sa mga susunod na linggo.

Narito ang mga apektadong lugar:

Read more...