Pag-iral ng Alert Level 1 sa Pilipinas, posibleng manatili hanggang sa pagtatapos ng Duterte administration
Posibleng manatili ang pag-iral ng Alert Level 1 sa Pilipinas hanggang sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buwan ng Hunyo.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na depende pa rin ito kung magkakaroon ng panibagong COVID-19 variants sa bansa.
Dagdag pa ng kalihim, pinag-aaralan pa ang tinatawag na Alert Level 0 at wala pang nailalatag na polisiya.
“Pinag-aaralan pa ‘yan so wala pang nabubuong policies patungkol sa Alert Level 0 at tingin ko dahil marami pa rin namang mga lugar na nasa Alert Level 2 pa,” ani Duque.
Sinabi ng kalihim na mayroon pang 57 na probinsya, highly urbanized cities, at independent component cities ang nakataas pa sa Alert Level 2.
Nakatutok aniya ang pamahalaan sa vaccination efforts upang tuluyang mapababa sa Alert Level 1 ang lahat ng lugar sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.