DPWH, naghahanda na sa pagbubukas ng Binondo – Intramuros Bridge Project
Naghahanda na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagbubukas ng Binondo – Intramuros Bridge Project sa susunod na buwan.
Kasama sa naturang proyekto ang konstruksyon ng 680 linear meters bridge na magkokonekta sa pagitan ng Intramuros sa bahagi ng Solana Street at Riverside Drive at sa Binondo sa bahagi ng Rentas Street/Plaza del Conde Street at Muelle dela Industria.
Binisita ni DPWH Unified Project Management Office (UPMO) Operations team head Undersecretary Emil Sadain ang pagtatapos ng naturang proyekto noong Miyerkules, March 16, 2022.
Target matapos ng kagawaran ang proyekto sa Semana Santa sa Abril.
Maiban sa mababayasan ang travel time, inaasahang maseserbisyuhan ng (2)-way four (4)-lane basket-handle tied steel arch main bridge ang 30,000 sasakyan kada araw.
Bahagi ito ng flagship infrastructure projects ng DPWH sa ilalim ng Build Build Build (BBB) Program.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.