Nitong Martes, sa isinagawang checkpoint sa Barangay Comon, naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Task Force Against Illegal Drugs ang sampung lalaking sakay ng tatlong van na may dalang kontrabando at pinaghihinalaang sako-sakong shabu na nakasilid sa Chinese teabags.
Aabot sa humigit-kumulang 600 na pakete ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad.
Ayon kay Police Major Francis Aldrich Garcia ng Infanta Municipal Police Station, nakatanggap sila ng tip na may isang Nissan van na may dalang ipinagbabawal na droga.
Sinusuri na ng NBI ang mga kontrabando, habang inaalam pa ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang pinanggagalingan nito at kung sinu-sino ang sangkot sa krimen.
Isa ito sa iba pang krimen na naganap sa bayan ng Infanta.
Matatandaan ang bigong pananambang kay Mayor Filipina Grace America noong Linggo ng umaga.
Bunsod ng sunud-sunod na kriman, palaisipan kung ang mga krimeng naganap ay higit pa sa mga iringan, awayan sa quarrying o mas malalim pang dahilan kabilang na ang isyu ng droga.