Infanta, Quezon pinangangambahan bilang crime capital ng Southern Luzon

March 16, 2022 - 06:01 PM

Pinangangambahan ng mga awtoridad ang bayan ng Infanta, Quezon bilang posibleng crime capital ng Southern Luzon dahil sa sunud-sunod na napapaulat na kaso sa naturang probinsya.

Nitong Martes, sa isinagawang checkpoint sa Barangay Comon, naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Task Force Against Illegal Drugs ang sampung lalaking sakay ng tatlong van na may dalang kontrabando at pinaghihinalaang sako-sakong shabu na nakasilid sa Chinese teabags.

Aabot sa humigit-kumulang 600 na pakete ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad.

Ayon kay Police Major Francis Aldrich Garcia ng Infanta Municipal Police Station, nakatanggap sila ng tip na may isang Nissan van na may dalang ipinagbabawal na droga.

Sinusuri na ng NBI ang mga kontrabando, habang inaalam pa ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang pinanggagalingan nito at kung sinu-sino ang sangkot sa krimen.

Isa ito sa iba pang krimen na naganap sa bayan ng Infanta.

Matatandaan ang bigong pananambang kay Mayor Filipina Grace America noong Linggo ng umaga.

Bunsod ng sunud-sunod na kriman, palaisipan kung ang mga krimeng naganap ay higit pa sa mga iringan, awayan sa quarrying o mas malalim pang dahilan kabilang na ang isyu ng droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.