Magiging bagong agriculture secretary, sisimulan nang bisitahin ang mga magsasaka

Nakatakda nang magtungo sa mga taniman at at bumisita sa mga magsasaka ang magiging bagong kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Ito ay matapos kumpirmahin ni presumptive President Rodrigo Duterte na si Emmanuel “Manny” Piñol ang itatalaga niyang DA secretary.

Ayon kay Piñol, magtutungo siya sa mga lalawigan, para tignan ang sitwasyon ng mga taniman at mga magsasaka.

Sinabi ni Piñol na iikot siya sa mga bulubundukin sa bansa sa loob ng isang linggo.

Nais ni Piñol na personal na makita ang sitwasyon ng mga magsasaka at saka naman niya ipiprisinta kay Duterte ang mga hinaing at problema ng mga ito.

 

 

 

Read more...