Bangkang pangisda sa Pag-Asa Island, nasagip ng AFP

Photo credit: PAO, Naval Forces West

Nasagip ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang Filipino fishing boat na sumadsad sa Pag-Asa Island noong March 11.

Umasiste rin ang Philippine Navy at Philippine Coast Guard sa pag-rescue sa 20 crew members na sakay ng Queen Lorena-1.

Ligtas na nabigyan ng tulong ang crew members sa Naval Station Emilio Liwanag.

Ayon sa mga awtoridad, nagkaaberya ang makina ng bangka habang papunta sa daungan ng Pag-asa Island.

Bumigay ang makina ng bangka dahilan para mawalan ng kontrol at sumadsad sa baybaying-dagat.

Nagbigay naman ang MAMSAR Constructions and Industrial Corporation ng backhoes upang makatulong sa paghila ng bangka.

Magbibigay naman ang Western Command, sa pamamagitan ng Naval Forces West, ng mga materyales at aasiste rin sa pagkukumpuni ng FFB Queen Lorena-1.

Read more...