Bubuhayin at palalakasin muli ni Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno ang Negros Island Region.
Sa pangangampanya ni Moreno sa Silay City, kapag na buhay ang Negros Island Region, mapapabilis ang pag-unlad ng rehiyon.
“If the people of Negros would support it and like it, then I’ll support it kasi ang gobyerno kailangang may tenga sa tao. While it is true that you have some aspirations in leadership, but you have to listen to your people. If that would be the case, then I’ll support it,” pahayag ni Moreno.
“Kung gusto niyong unification or gusto niyong as one Negros, ako 101 percent I will support it. As long as it will make you happy, it wil bring you joy, it will bring you economic growth at ikabubuti ng tao, 101 percent,” dagdag ni Moreno.
Ilang beses nang nanawagan ang Negrenses na pag-isahin ang Negros Occidental at Negros Oriental.
Una nang nabuo ang NIR noong May 29, 2015, pero nabuwag ito nang lagdaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang Executive Order (EO) 183 na maghihiwalay sa Negros Occidental mula sa Western Visayas at Negros Oriental mula sa Central Visayas.
Agosto 7, 2017 nang lagdaan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EO 38 na nag-aabolish sa NIR.
“As long as it will make you happy, it will bring you joy, it will bring you economic growth, at ikabubuti ng tao, 101 percent, pumunta na kayo kay ML Luihiller, isanla niyo na ang laway ko. Yes I will support it!,” pahayag ni Moreno.
Nangako rin si Moreno na kung papalaring manalong pangulo ng bansa, itutuloy niya ang pagpapagawa sa Negros-Panay-Guimaras Bridge (NPGB).
“Any roads for that matter, and any bridges that connects islands of our country will bring more economic activity. More savings plus more business. I do believe, for example, if Negros is producing palay para dalhin sa Cebu via water, then mas madali siguro kung may tulay. So those are the things that bring more economic activity. So yes, why not,” pahayag ni Moreno.