Shabu, sumpak at mga bala, nasabat sa ika-33 Oplan Galugad

By Erwin Aguilon May 18, 2016 - 10:25 AM

Isinagawa ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (Bucor) ang ika-tatlumpu’t tatlong Oplan Galugad sa New Bilibid Prisons (NBP).

Tinatayang nasa 150 gramo ng shabu ang nasabat mula sa dalawang preso ng quadrant 3 ng maximum security compound.

Maliban dito, may nasabat ding improvised shot gun o sumpak, mga electronic gadgets, at mga bala mula sa building 3 at 13 ng quadrant 3.

Sinabi Ni NBP Supt. Richard Schwarzkopf, bukod sa criminal case, maaaring maapektuhan ang pagtanggap ng dalaw, o tanggalan na ng dalaw ang dalawang bilanggo na nahulihan ng droga.

Posible rin silang ilipat sa ibang pasilidad.

TAGS: 33rd oplan galugad, 33rd oplan galugad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.